Pumanaw na sanhi ng tinamong tama ng bala sa asasinasyon ang 67-anyos na dating prime minister ng Japan na si Shinzo Abe, ayon sa ulat ng NHK at Jiji news agency nitong Biyernes.
"According to a senior LDP (Liberal Democratic Party) official, former prime minister Abe died at a hospital in Kashihara city, Nara region, where he was receiving medical treatment. He was 67," saad sa ulat ng NHK.
Sinabi ni Hidetada Fukushima, professor of emergency medicine sa Nara Medical University hospital, nasa state of cardiac arrest si Abe nang dumating sa pagamutan.
"Shinzo Abe was transported at 12:20 pm. He was in a state of cardiac arrest upon arrival," ayon kay Fukushima.
"Resuscitation was administered. However, unfortunately he died at 5:03 pm," sabi pa niya sa mga mamamahayag.
Inilipad sakay ng helicopter si Abe patungo sa ospital matapos siyang barilin habang nagtatalumpati sa isang campaign event sa Nara.
Pero wala na umanong vital signs si Abe nang madala siya ospital. Nagtamo siya ng tama ng bala sa leeg at dibdib. Ang isang bala, tila pumasok mula sa kaniyang kaliwang balikat.
Dumating sa ospital ang asawa ng dating prime minister na si Akie Abe nitong Biyernes ng hapon, at naipaalam na sa pamilya ang pagkamatay ng dating lider ng Japan. — Agence France-Presse/FRJ, GMA News