Inihain kamakailan ng isang mambabatas ang panukala na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at gawing Ferdinand E. Marcos International Airport. Nararapat at napapanahon na ba itong gawin?
“It is more appropriate to rename it to the person who has contributed to the idea and execution of the said noble project,” saad ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. Teves sa isang pahayag.
Sa ulat ni Lilian Tiburcio sa "Stand For Truth," sinabing ang Manila International Airport Authority na NAIA ngayon, ang unang naging airforce base ng Amerika.
Taong 1948, o administrasyon ni dating Pangulong Manuel Roxas nang ilipat ito sa gobyerno ng Pilipinas.
Sa panahon naman ni dating pangulong Elpidio Quirino noong 1953 nagkaroon ng international runway at associated taxway ang airport, saka ito tinawag na Manila International Airport.
Taong 1972 nang iutos ng dating presidente na si Ferdinand E. Marcos Sr., sa pamamagitan ng Executive Order 381 na palakihin at pagandahin pa ang Manila International Airport.
Noong Agosto 21, 1983, binaril at pinatay sa tarmac ng naturang paliparan ang dating senador na si Benigno "Ninoy" Aquino, na lider ng oposisyon.
Nang mapatalsik si Marcos sa kapangyarihan sa pamamagitan ng People Power Revolution noong 1986, pumalik sa kaniya si dating Pangulong Cory Aquino, asawa ni Ninoy.
Taong 1987 nang maipasa ang Republic Act 6639 sa ilalim ng gobyerno Cory na tawaging Ninoy Aquino International Airport ang Manila International Airport, bilang pag-alaala sa pagkamatay ni Ninoy sa naturang paliparan.
"Leave NAIA alone," ayon kay dating senador Franklin Drilon, na iginiit na dapat na mas pagtuunan ng pansin ng Kongreso ang mga mahahalagang isyu tulad ng inflation at pagtaas ng presyo ng langis.
"Malacañang has no comment yet on this one. It's just been filed, after all. Wala pang (It's not yet for) first reading so any reaction would be premature if any is even warranted at this time," sabi ng Press Secretary na si Trixie Cruz-Angeles hinggil sa usapin. -- Jamil Santos/FRJ, GMA News