Makaraang ang 36 na taon na paghihintay mula noong 1986, muling naghari sa UAAP men's basketball ang University of the Philippines Fighting Maroons.
Nakagawa ng kasaysayan ang Fighting Maroons nang talunin nila sa Game 3 ng UAAP Season 84 nitong Biyernes ang Blue Eagles na Ateneo de Manila University, sa iskor na 72-69.
Kasabay ng makasaysayang tagumpay ng UP Diliman squad, binigo rin nila ang Ateneo team na muling maka-four-peat.
Tanging ang UP ang koponan na nakatalo sa Ateneo sa elimination round at bumigo sa step ladder Final Four.
Pero hindi naging madali sa Fighting Maroons ang pagpasok nila sa Finals para makaharap ang Blue Eagles dahil kinailangan nilang sumabak sa do-or-die game kontra sa De La Salle University sa playoffs.--FRJ, GMA News