Puwede nang hasain ang talas sa bokabularyong Filipino sa paglalaro ng "WordEleksyon," sa Eleksyon 2022 microsite ng GMA News Online.

Bawat araw, huhulaan ang tamang salita kung ano ang katangian na dapat hanapin sa isang lider ng bansa.

Anim na beses na puwedeng hulaan ang salita bawat araw.

Pagkatapos ng bawat hula, mag-iiba ang kulay ng mga kahon kung saan nakasulat ang bawat letra ng sagot.

Ipapakita nito kung gaano kalapit ang hula sa tamang sagot.
Kung asul ang kahon, ibig sabihin ay tama ang letra at nasa tama itong puwesto.

Samantalang kung orage naman ang kahon, ibig sabihin ay tama ang letrang napili pero nasa mali itong puwesto.

Ngunit kung itim naman ang kulay ng kahon, wala sa pinapahulaan ang napiling letra kaya dapat umisip ng iba.

Pagkatapos nito, maaari ding ibahagi sa social media ang resulta ng ginawang paghula.

Ano nga ba ang katangian na dapat nating hanapin sa isang lider? Tara, laro na tayo ng "WordEleksyon."  --FRJ, GMA News