Simula nang magkapandemya, maraming kumpanya ang nagpatupad ng work from home setup para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19. May batas na bang nagpoprotekta para sa mga karapatan ng mga empleyadong nasa ganitong setup?
Sa "Need to Know," sinabing taong 2018 ipinatupad ang Telecommuting Act of 2018 sa Pilipinas, na layong pangalagaan ang kapakanan ng workers sa remote setup.
Gayunpaman, sinabi ng isang eksperto na marami pang patakaran at regulasyon ang kailangan para maibigay ang lahat ng pangangailangan at proteksyon para sa mga manggagawang naka-work from home setup.
Karamihan umano ng mga manggagawang naka-remote setup ang nakapagpakita ng mataas na effectivity sa kanilang mga trabaho, ayon sa survey ng Development Academy of the Philippines.
Kaya naman marami sa mga empleyado at kumpanya ang ipagpapatuloy ang work from home setup at remote work.
Natuklasan din ng SEEK Asia, Boston Consulting Group at The Network na halos 50% ng mga empleyadong Pinoy ang gustong magtrabaho remotely.
Pero ayon sa isang eksperto, hindi lahat ng work from home setup ay gumagana sa lahat ng industriya.
Sinabi pa ng isang eksperto na ilan sa mga halimbawa nito ang trabaho ng factory workers o ang mga nasa manufacturing.
--FRJ, GMA News