Dekada ’60 at ’70 nang tinaguriang “Golden era of the railroad in the Philippines” ang Philippine National Railways o PNR dahil sa iba’t ibang magagadang kuwento tungkol dito.

Sa video ng "Need to Know," sinabing panahon pa ng Kastila nang magsimulang magkaroon ng tumatakbong tren sa Pilipinas.

Taong 1892, unang binuksan ang Manila-Dagupan Ferrocaril, na pagmamay-ari noon ng Manila Railroad Company.

Ang mga riles nito ang itinuturing na kauna-unanahang linya ng mga bakal na nailatag sa Pilipinas.

Ayon kay Arturo Corpuz, may akda ng The Colonial Iron Horse Urban and Regional Planner, malaking bagay noon sa transportasyon ang mga tren dahil mahirap bumiyahe nang panahong iyon at wala pang gaanong sasakyan.

Sa Tutuban Central Terminal nagmumula at tumigil ang mga tren na palabas at papasok ng Maynila.

Unang ginawa ang linya na konektado sa Bulacan, at sumunod naman ang Pampanga, hanggang sa umabot sa Dagupan, Pangasinan

Nang makompleto ang Manila-Dagupan Line, umabot ang haba ng riles ng 195.4 kilometers.

Dahil sa mga tren, umangat ang ekonomiya ng bansa dahil bumilis ang galaw ng mga tao at mga kalakal.

At noong 1931, nagkaroon na rin ng linya ng tren upang makabiye papuntang Bicol region.

Ngunit hindi tulad sa ibang bansa na nagiging libangan ng mga tao sa biyahe ang mga magagandang tanawin na nadadaanan ng tren, sa PNR, kakaba-kaba ang mga pasahero baka kasi mabato sila ng iba't ibang bagay--pati na ng dumi ng tao.

Ano nga ang nangyari at bakit unti-unting napabayaan ang mga riles na naging daan noon ng kaunlaran. May pag-asa pa kayang maibalik ang ningning ng mga tren ng PNR? Panoorin ang pagtalakay sa video.


--FRJ, GMA News