Kung mayroon mang isang mahalagang natutunang aral sa buhay si Alden Richards, ito ay ang tumayo sa sariling mga paa. Aniya, "Ikaw lang 'yung talagang makagagawa ng pagbabago sa buhay mo."
Sa Kapuso Showbiz News, sinabi ni Alden na ang kasalukuyan ang pinakamahalagang yugto ng kaniyang buhay.
"Actually the most important moment in my life is now. 'Where are you right now?' 'How do you look at yourself right now?' 'Where do you want to go?'" sabi ni Alden na nagdiriwang ng kaniyang ika-11 taon sa showbiz.
"'Yung future kasi hindi ko siya masyadong pinakikialaman kasi si Lord lang ang may alam ng future natin, Siya lang ang tanging nakakikita niyan," dagdag pa niya.
Nagpasalamat ang Asia's Multimedia Star sa mga pinagdaanan niya sa kaniyang nakaraan.
"Actually all those are valid, all of those are acknowledged, the past, the present, which is now, and the future. Kasi the past is what really makes you who you are, so you don't need to change that. All of the experiences you had, good, bad, happy, sad, are contributing factors to who you are at the moment, at the now, at the present," saad niya.
"Me, personally coming from all those things that I have experienced in the past years in my life, siguro 'yon 'yung talagang what made me learn, how to conquer life and to really not rely on other people. You have to rely on yourself, kasi at the end of the day, you are your own superhero. Ikaw lang 'yung talagang makagagawa ng pagbabago sa buhay mo," dagdag pa ni Alden.
Para sa Kapuso actor, nariyan ang mga mahal sa buhay para sumuporta, pero nasa isang tao pa rin ang daan para iudyok ang kaniyang sarili na gawin ang mga kailangan niyang gawin.
TEASER: Mayor, may aaminin kay Louie sa 'The World Between Us'
"Kasi sila ang magsasabi nang magsasabi ng motivation sa'yo, eh ikaw hindi mo ginagawa, you just let it pass. 'Ay bata pa naman ako.' Time is very important. So make sure you make good use of your time," paliwanag niya.
Mensahe ni Alden para sa sarili: "Siguro magpapasalamat ako sa kaniya for always being motivated, and for always being a doer. Kasi I guess, 'yon 'yung nagdala sa'yo kung nasaan man siya ngayon. I would like to thank him. And sana the burning passion to be of service and of help to other people always remain in him. Huwag sana siyang malunod sa mga material things of this world."
"It doesn't count. What counts is what you leave with other people na nakatutulong sa kanila and was able to change their lives, because you were there for them," dagdag niya.
Bida si Alden sa Kapuso drama romance series na "The World Between Us," kung saan leading lady niya si Jasmine Curtis-Smith. (--FRJ, GMA News