Ikinuwento ni John Lloyd Cruz na 13-anyos lang siya nang madiskubre ng isang talent coordinator sa loob ng isang mall sa Cainta, Rizal. Pero kung hindi naging artista, saan kaya siya posibleng napunta?
Sa panayam ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ikinuwento ng aktor na hinabol pa siya ng talent coordinator sa loob ng Sta. Lucia East Grand Mall para kombinsihin na mag-artista.
"I was discovered back in 1997 by a talent coordinator. Regie Picayo saw me (at) Sta. Lucia East Grand Mall (in) Cainta at doon kami ," masayang balik-tanaw ni JL na bunso sa tatlong magkakapatid.
Kung hindi siya nadiskubre ng talent coordinator, sinabi ni John Lloyd na posibleng nasa ibang bansa siya ngayon.
Pangarap din daw kasi niya noon na maging isang piloto.
"At that time (nang ma-discover ako) exiting grade school that was my ambition, to be a pilot," ani JL. "Pero bago 'yun in-ambition kong maging Ernie Baron."
Unang napanood sa telebisyon si John Lloyd sa GMA sa programang "Kakaba-Kaba Ka Ba?," kung saan ipinakita ang clip sa ilan niyang eksena.
Ngayong balik-Kapuso si John Lloyd, gagawa siya ng sitcom.
Looking forward din ang aktor na makatrabaho at makagawa ng pelikula kasama si Bea Alonzo, na isa na ring Kapuso.
Pero bago 'yan, nagsampol si John Lloyd ng kaniyang acting skill kasama si Jessica Soho. Dito ay ipinakita ng aktor ang husay niya sa aktingan kahit na isang mataray na gay. Panoorin ang video ng "KMJS."
--FRJ, GMA News