Maaari nang gawing e-bike ang karaniwang bisikleta gaya ng ginawa ni Mark Carpio na nagdedeliber ng piyesa ng mga bisikleta.
Sa ulat ni Vonne Aquino sa GTV "State of the Nation" nitong Huwebes, sinabing anim na taon na ang bisikleta ni Carpio nang gawin niyang itong e-bike para hindi maging mahirap sa pagpadyak.
Para din umanong motorsiklo kung umarangkada ang e-bike at mas mabilis kung sasabayan ng padyak.
Nagawa raw ni Carpio na gawing e-bike ang kaniyang bisikleta sa pamamagitan ng panonood ng instruction sa Youtube.
Mayroon din daw mga piyesa na mabibili naman online.
Nang gawin niyang e-bike ang kaniyang bisikleta, umabot sa P9,500 ang kaniyang nagastos pati na sa baterya na kailangang i-charge. Pero asahan na mas mahal na raw ang piyesa ng mga ito ngayon.
Maaari daw umarangkada ang DYI e-bike nang hanggang 80 to 120 kph with pedal assist. At nasa 80 to 90 kph naman kung full throttle.
Payo ni Carpio, kung magsisimula palang sa pag-convert ng e-bike, piliin muna ang mas mababang specs upang hindi masayang ang gastos sakaling magkaroon ng aberya kung magkakamali sa koneksyon ng mga piyesa.--FRJ, GMA News