Hindi akalain ng mag-asawang Walter at Roxy na nakabase sa Dubai na aagawin ng COVID-19 ang isang taong gulang nilang anak na si Luther.
Kapwa bakunado na sina Walter at Roxy pero hindi pa ang kanilang masayahing anak.
Isang araw, sumama ang pakiramdam ni Walter na inakala niyang karaniwang seasonal flu lang na may kaunting sipon at masakit ang katawan.
Pero hindi nagtagal, si Luther, nagkasakit na rin.
Kuwento ni Roxy, kahit may lagnat, maging magana pa rin namang kumain ang kaniyang anak.
Ipina-swab text nila si Luther at nagpositibo siya sa COVID-19.
Humupa naman daw ang lagnat ng bata pero pagkaraan ng tatlong araw ay napansin nilang tila nangalumata o namaga ang mga mata ni Luther kaya dinala nila ito sa ospital.
Doon na nila nalaman na inaatake na ng virus ang paligid ng puso ni Luther kaya nahihirapan na siyang humingi.
At pagkaraan lang ng 24 oras matapos nilang isugod sa ospital si Luther, tuluyan na siyang inagaw ng COVID-19.
Sa Pilipinas man, dumadami na rin ang batang tinatamaan ng COVID-19.
Katunayan batay sa datos, tumaas umano ng 61% ang mga nasa edad 17 pababa na dinadapuan ng virus.
Mula sa 8,988 na naitala noong July 16-29, 2021, umakyat ito sa 14,485 noong July 30-August 12, 2021.
Pero bakit nga ba dumadami ang mga batang tinatamaan ng COVID-19 at papaano ito maiiwasan? Panoorin ang video ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
--FRJ, GMA News