Biglang sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) na ikinagulat ng mga papalipad nang mga manggagawa.
Kinumpirma ni Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Bernard Olalia sa GMA News Online nitong Biyernes ang naturang kautusan na pansamantalang itigil ang pagpapaalis ng mga OFW na patungong KSA.
Sa memorandum na ipinalabas nitong Huwebes, May 27, 2021, inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang POEA , na ipatupad ang "temporary suspension of deployment" na “effective immediately and until further notice.”
The Department of Labor and Employment temporarily suspends the deployment of overseas Filipino workers to Saudi Arabia amid reports that OFWs are being required to shoulder costs of health, safety protocol for COVID-19 as well as insurance premium upon entry in the country. pic.twitter.com/jmEH4734pW
— Ted Cordero (@Ted_Cordero) May 28, 2021
Biglang sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapadala ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) na ikinagulat ng mga papalipad nang mga manggagawa.
Ang dahilan, ang mga OFW umano ang pinagagastos sa mandatory 10-days quarantine pagdating nila sa KSA.
“The Department received reports that departing OFWs are being required by their employers/foreign recruitment agencies to shoulder the costs of the health and safety protocol for COVID-19 and insurance coverage premium upon their entry in the Kingdom,” ani Bello.
Nais ni Bello na liwanagin ang naturang kautusan para maprotektahan ang mga OFW.
Sa panayam ng Super Radyo dzBB, sinabi ni Bello na ang naturang kautusan ng KSA ay para sa lahat ng mga dayuhang papasok sa naturang bansa--kabilang ang mga OFW.
“'Yung 10 days na ma-quarantine ka doon, hindi bababa ng $3,500. Saan kukuha ang OFWs ng pambayad diyan?” paliwanag ni Bello.
Idinagdag ng kalihim na hihilingin niya sa pamahalaan ng KSA na ang mga employer dapat ng OFW ang sumagot sa gastusin sa 10-day quarantine.
JUST IN: Dismayado ang daan-daang OFW na papunta ng Saudi Arabia matapos biglaang ipatupad ng @laborgovph ang temporary suspension ng deployment sa naturang bansa. | via @jhomer_apresto pic.twitter.com/g1awig5Gy5
— DZBB Super Radyo (@dzbb) May 28, 2021
Dahil sa biglaang kautusan ng DOLE, may mga OFW na papaalis na sana patungo sa KSA ang na-stranded sa Ninoy Aquino International Airport.
Nangako naman ang pamahalaan na tutulungan ng DOLE ang mga stranded na OFW.--FRJ, GMA News