Pumanaw na nitong Lunes ang hero dog ng Zamboanga City na si Kabang, ang aso na napinsala ang nguso dahil sa pagligtas sa kaniyang batang amo noong 2011.

Sa isang Facebook post, makikita ang black and white na larawan ng 13-anyos na si Kabang.

“It is with profound sadness that I announce the demise of our hero dog Kabang,” saad sa caption ng larawan. “I found her lying motionless near her bed tonight.”

“Thank you for the [eight] years of unconditional love, loyalty and joy you brought to our family. Thank you for the life lessons and the inspiration you gave to the world,” dagdag pa nito.

Sa isa pang Facebook post, ibinahagi ng veterinarian na nag-aalaga kay Kabang na si Dr. Anton Lim, ang ilang alaala ng aso at kung gaano niya ito mami-miss.

“I knew one day this would come. No matter how I prepared myself mentally, the suddenness of how you died, left a deep void in my heart,” sabi ni Lim.

“You did not even give us the chance of nursing and taking care of you in your old age and watch you drift away,” patuloy niya.

Binalikan din niya ang panahon nang magtungo sila noon sa Amerika ni Kabang para maipagamot ang napinsala nitong nguso. Gayundin ang kasabikan ng aso nang bumalik sila sa Pilipinas.

“I cannot forget our homecoming from the US, inspite of many many months away, you immediately jumped with joy upon seeing Rudy Bunggal,” sabi ni Lim.

“When Mang Rudy came to me one day asking me to adopt you for the fear of someone dognapping you, I felt the responsibility but it was the easiest decision I ever did,” dagdag ng doktor.

Hahanap-hanapin daw ni Lim ang pagtalon ni Kabang sa kanilang gate para salubungin siya, ang pagsama rin sa kaniya sa labas at tila pagiging supervisor kapag nagtatrabaho siya.

“You were just there. Tonight, I missed washing your bowl and feeding you,” anang duktor." I and my family already missed you Kabang even though you are gone for just a few hours.  May we see each other again.”

Taong 2011 nang tumalon si Kabang sa harap ng isang motorsiklo para iligtas ang batang anak na babae ng kaniyang amo at pinsan nito.

Nakaligtas ang mga bata pero napinsala ang itaas na bahagi ng kaniyang nguso na kailangang alisin.

Naging viral ang kaniyang kabayanihan at nagkaroon ng online fundraising drive na ginawa ng New York-based nurse na si Karen Kenngott.

Nakalikom ng $20,000 kaya naipagamot si Kabang sa Amerika. —FRJ, GMA News