Bukod sa masarap, mayroon din umanong benepisyong hatid ang itlog para maging maganda ang kutis at lumaki ang katawan. Totoo nga ba ito?

Sa programang "iJuander," ipinakita ni Angelie kung papaano niya ginagamit ang hilaw na itlog bilang "egg mask" upang mapaganda ang kaniyang mukha.

Dati raw kasing oily at may mga pimple ang kaniyang mukha.

Si Alexis naman, inihahalo sa inumin ang hilaw na itlog dahil nakatutulong naman daw ito sa pagpapalaki niya ng katawan.

Pero ang isang eksperto, may babala sa paglalagay ng hilaw na itlog sa mukha at maging ang pagkain nito ng hilaw. Alamin kung bakit sa video na ito. Panoorin.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News