Hindi nasindak ang mga tao sa silver monolith na bigla na lang lumitaw sa kapitolyo ng Democratic Republic of Congo. Ang estraktura na tila ginaya sa isang science-fiction movie, sinira at sinilaban.
Sa ulat ng Reuters, sinabing unang nakita ang monolith na may taas na 12 talampakan sa Bandal sa Kinshasa noong Linggo.
Pinag-usapan ng mga tao kung paano ito napunta sa lugar at saan kaya nagmula. Ang iba naman, nag-selfie.
Pero nitong Miyerkules, binutas, winasak at sinilaban na nila ang monolith.
Bago nito, may nakita rin na katulad na estraktura sa Utah desert sa Amerika noong Nobyembre, maging sa Romania at Turkey.
May mga naghihinala sa motibo sa pagsulpot ng mga monoliths at paghalintulad sa 1968 movie na “2001: A Space Odyssey,” na simbulo ng human evolution.
“We woke up and saw this metallic triangle,” sabi ng residenteng si Serge Ifulu. “We were surprised because it is a triangle that we often see in documentaries about freemasons or illuminati.”
Pero may mga residente na nagsabi na may nakakita silang mga tao na naghuhukay sa lugar kung saan bilang lumitaw ang monolith. --Reuters/FRJ, GMA News