Nais ni Mayor Junard "Ahong" Chan ng Lapu-Lapu City na mag-sorry ang rapper Ez Mil dahil sa maling impormasyon niya sa kantang "Panalo" tungkol sa pambansang bayani na si Lapulapu.
Sa Facebook post nitong Lunes, sinabi ni Chan na hindi niya nagustuhan ang ginawang paglalarawan ng rapper na pinugutan sa Mactan ang pambansang bayani.
"As a city father, I was hurt by the ridicule that was being made. If Ez Mil did not recognize Datu Lapulapu as a hero, he would not have composed a song that would create anger among every Oponganon," anang alkalde.
Sabi pa ni Chan, dapat baguhin at ituwid ni EZ Mil ang nakasaad sa awitin.
"We recommend to the City Council to pass a resolution condemning the lyrics mentioning Datu Lapulapu," giit niya.
Naabot sa atong atensiyon ang kanta sa rapper nga si Ez Mil nga nag-viral sa Internet nga naghisgot sa atong bayani nga...
Posted by Junard "Ahong" Chan on Monday, February 8, 2021
Gayunman, bukas daw ang alkalde na madinig ang paliwanag ni EZ Mil.
Sa panayam ni Hbom Segovia, ipinaliwanag ng rapper kung bakit niya isinama ang naturang linya.
"In terms of the rhyming pattern, I always go to this dilemma or doubt in my head in terms of when I’m closing out a song," saad niya. "Am I gonna close it out with absolute truth or am I gonna make people talk about it? That's like me weighing the options."
Humingi na siya ng paumanhin at sinabing nakamit niya ang layunin niya na makuha ang pansin ng publiko.
"I'm sorry to anybody who was offended with the fact that me putting inaccurate sources in our history as Filipinos. That's why the song is what it is right now," dagdag pa niya.
"The way I wrote that got people talking. I got people agreeing to it. I got people disagreeing. I got people in the in-betweens. I had to check that all out. The way it is now, people are talking about it. I got to be smart about it," patuloy niya.
Sa panayam naman sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," ikinuwento ni Ez Mil ang inspirasyon niya sa kanta na pagkaisahin ang mga Pinoy, at itigil ang pagiging "negatibo."
Ipinagmamalaki rin ng rapper na nakabase ngayon sa US ang kaniyang lahi bilang isang Filipino.—FRJ, GMA News