May ilang lugar na sa Pilipinas na puwedeng puntahan para makapamasyal. At kabilang sa mga dinadayo, ang isang lugar na hindi kalayuan sa Metro Manila na makikita ang isang bangka na sa ulap "naglalayag" sa halip na sa tubig.
Ang naturang bangka na kung tawagin ay Noah's Arc ay makikita sa tuktok ng bundok sa Tanay, Rizal.
Bukod sa Noah's Arc, ilang pasyalan pa sa Rizal ang puwedeng puntahan sa Mt. Sambong at Mt. Kulis.
Pero paano nga ba nagkaroon ng bangka sa naturang tuktok ng bundok?
Alamin iyon sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," at alamin din kung saan sa Cebu makikita ang isang pahingahan na mayroon maliit na pool habang pinagmamasdan ang napakagandang view ng Mt. Kanlaon.
--FRJ, GMA News