Sinabi ni Senador Panfilo Lacson na dapat tiyakin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na mapaparusahan at mabubulok sa kulungan ang pulis na bumaril sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.
"If what's on video tells the whole story, I enjoin the Philippine National Police leadership to show no mercy. They should spare no effort to make sure that he rots in jail. He's the last policeman that they need in the force," sabi sa isang pahayag ni Lacson, dating hepe ng PNP.
Dahil sa insidente, inirekomenda ni Lacson na dapat iwan ng mga pulis ang kanilang baril sa armory kapag off-duty.
Lumitaw na nakatalaga sa Parañaque City ang akusado na si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.
"That said, they should not be issued Permits to Carry Firearms Outside Residence while still in the active service," anang senador.
"The PNP should always uphold its motto 'To Serve and Protect.' That includes taking appropriate steps to protect our people from scalawags in their ranks, whether they are on duty or not," dagdag niya.
Nitong Linggo habang nasa Paniqui, pinuntuhan ni Nuezca ang mag-inang biktima nang makarinig siya ng putok ng "boga" na karaniwang pampaingay sa bagong taon.
Dati na umanong may hidwaan si Nuezca sa mag-ina dahil sa usapin ng right of way na nauwi sa pamamaril.
"Magkapitbahay lang sila. Narinig ng pulis. Nagpunta siya sa bahay ng biktima at nagkaroon sila ng pagtatalo," sabi ni Police Lieutenant Colonel Noriel Rombaoa, hepe ng Paniqui Police Station.
"Then naungkat 'yung matagal nilang alitan tungkol sa right of way. Doon nagsimula ang pagtatalo nila na umabot na sa pamamaril ng ating suspek," dagdag niya.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo ang mag-ina.
Sumuko naman kinalaunan si Nuezca sa pulisya at nahaharap sa kasong double murder. — FRJ, GMA News