Nitong nakaraang Oktubre, apat na magpipinsan ang tinamaan ng kidlat habang nasa dalampasigan sa La Union. Sa kasamaang palad, isa lang ang nakaligtas sa aksidente at nagkaroon siya ng brain damage at partial amnesia.
Para malaman kung gaano nga ba kalakas ang boltahe ng kidlat, ayon sa programang "Pinoy MD," ang kuryenteng dumadaloy sa mga tahanan ay nasa 220 volts lamang.
Ang kuryente sa mga poste at kable naman ng kuryente, nasa 100,000 volts. Habang ng kidlat, may lakas umano na umaabot sa 300 million volts ang kuryente.
Kaya naman napakalaki ng peligro kapag tinamaan ng kidlat ang isang tao.
Pero ano nga ba ang totoo at mga maling paniniwala upang makaiwas sa tama ng kidlat? Totoo nga ba na maaaring makuryente rin ang taong tutulong sa isang taong tinamaan ng kidlat? Panoorin ang video na ito.
--FRJ, GMA News