Nadiskubre ng mga Japanese health official ang 164 na aso–na halos buto't balat na ang iba–habang nagsisiksikan sa isang maliit na bahay sa lungsod ng Izumo, Japan.

Sa ulat ng Reuters, sinabi ng animal rights group na Dobutsukikin, na ito na ang pinakamalalang animal hoarding sa bansa.

Nakita umano ang mga parasite-infested animal na magkakasama sa isang bahay na may sukat lang na 30 square-metre (323 sq foot).

Nabisto raw ang ginawang pagkukulong sa mga aso nang magreklamo ang mga nakatira sa paligid ng bahay, ayon kay Kunihisa Sagami, pinuno ng Dobutsukikin.

“The entire floor was filled with dogs and all the floor space you could see was covered with faeces,” sabi ni Sagami.

Ayon sa mga health official, pitong na ang nakalilipas nang puntahan na rin nila ang bahay dahil din sa reklamo ng mga kapitbahay dahil sa ingay at mabahong amoy.

Pero tumanggi raw noon ang may-ari ng bahay na payagan silang mag-imbestiga.

Tatlong tao umano ang naninirahan sa bahay na pumayag na ibigay na ang mga aso.

Sinabi ni Sagami na hahanapan nila ng aampon ang mga aso pagkatapos na masiguro ang kalusugan ng mga hayop. --Reuters/FRJ, GMA News