May mga lugar na pang-akit sa turismo ang maraming kalapati, pero sa port area ng Ozamiz City sa Misamis Occidental, nagiging sakit sila ng ulo sa mga tao.
Taong 2012 daw nang mapansin ang pagdami ng mga kalapati sa lugar, at lalo pa silang dumami nang gawin nilang breeding area ang passengers building terminal sa pier.
Sa dami nila kapag umistambay sa kalye, napeperwisyo ang mga motorista na dumadaan sa lugar na kailangan tumigil o umiwas para hindi sila masagasaan.
Kapag nasa mga poste at kable naman ng mga kuryente, tila nagpapaulan sila ng ipot na bumabagsak sa mga nakaparadang sasakyan o nagdadaang mga tao.
Kung perwisyo ang tingin ng iba sa kanila, may mga tao naman nasisiyahan sa mga kalapati dahil naalagaan sila at mayroon din kumikita.
Pero ano nga ba ang plano ng mga awtoridad sa mga ibon upang mapakibangan sila ng lokal na pamahalaan ngunit hindi naman makakaperwisyo? Panoorin ang video ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
--FRJ, GMA News