Mabigat ang sitwasyong hinaharap ng mga medical healthcare worker ngayong may pandemyang dulot ng COVID-19. Kaya raw malaking bagay sa kanila na magkaroon ng stress reliever at makakausap upang mailabas ang kanilang nararamdaman.
Sa isang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ipinakilala ng mga frontliner sa East Avenue Medical Center ang kanilang "happy pill" sa panahon ngayon ng pandemic na isang teddy bear na pinangalanan nilang si Dem-dem.
Ang naturang teddy bear, isinasama rin nila sa kanilang training at meeting. Sinusuotan din ng PPE, at bukod sa pampataggal ng pagod, nailalabas din nila kay Dem-dem ang kanilang bigat na nararamdaman.
Papaano nga ba nakatutulong sa mga health worker si Dem-dem? Panoorin ang video.
--FRJ, GMA News