Ilang bagong tuklas na langaw sa Australia na itinuturing "assasin" sa mundo ng insekto ang ipinangalan sa mga superhero ng Marvel Cinematic Universe dahil daw sa pagkakahawig nila tulad kina Loki at Deadpool.

Sa Twitter post ng Reuters, sinabing isa sa mga langaw ang ipinangalan din sa namayapang Marvel creator na si Stan Lee.

Ang langaw na ipinangalan kay Lee ay may characteristic markings na katulad daw ng bigote at sunglasses nito.

 

 

Bukod kina Loki at Deadpool, may langaw din na ipinangalan kina Thor at Black Widow.

"These are the first species I got to name. So I wanted to do something a little bit exciting with the naming," ayon kay Isabella Robinson, entomology student.

"I named one of the flies after Black Widow. The shiny black abdomen reminds me a little bit of her outfit in the Avengers movie," paliwanag niya.

Sabi pa ni Robinson, "I was inspired to name a fly after Deadpool because the species has a marking on its back that looks just like Deadpool's mask."

Ang limang langaw ay nabibilang umano sa species na kung tawagin ay "robber flies" na assassins umano sa mundo ng insekto. 

--FRJ, GMA News