Masayang ibinahagi ni Jinri Park sa kaniyang Instagram followers na may pangalan na niya ang kaniyang name tag bilang isang waitress sa Australia.
"I finally got my own name tag last week!!" sabi ni Jinri sa caption ng ipinost niyang larawan na makikita ang kaniyang name tag sa apron.
Dahan-dahan pa rin daw siyang nag-a-adjust sa bago niyang buhay sa Australia kasama ang kaniyang mister.
"Slowly adjusting to this new lifestyle, I don’t get to train jiujitsu as much as before but still squeezing in the hours," saad pa ng dating model and TV personality.
Kamakailan lang, sinagot ni Jinri ang mga nagsasabing "karma" ang pagiging waitress niya sa Australia.
"All those people who are saying it’s karma that I’m a waitress now, I’m pretty sure there’s nothing wrong with having that job," sabi niya.
Ipinaliwanag niya na pinasok niya ang naturang trabaho dahil gusto niya at hindi lang dahil sa kailangan niya.
Sinabi rin ni Jinri na nag-e-enjoy siya sa kaniyang trabaho at nag-iipon din para sa kaniyang pag-aaral para sa trabahong nais niyang pasukin sa hinaharap.
Ibinahagi rin ni Jinri sa kaniyang mga follower na nakapasa na siya sa drivers knowledge test at sunod naman niyang gagawin ang practical test.
May payo rin siya sa mga taong may planong gawin sa buhay pero may pag-aalinlangan.
"Do what you want to do, try that new sport, quit the job you hate, move to that country to want to live in and just freaking marry that girl hahahaha ! Just go for it. Because not going for it will make you regret more," saad niya. --FRJ, GMA News