May kasabihan na kung puwede namang gawin ngayon, bakit ipagpapabukas pa.
Ganito ang nangyari sa isang magkasintahan sa magkasintahan sa General Trias, Cavite na nagtungo sa munisipyo para magpa-schedule ng kanilang civil wedding pero kaagad na ikinasal na ng kanilang alkalde.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkules, sinabing dahil sa COVID-19 pandemic, naudlot ang planong garden wedding sana noong Abril nina Erica Calandria at Ronnie Sagum.
Kaya naman naisip na lang ng dalawa ang civil wedding at nagtungo sila sa munisipyo para sana magpa-schedule.
Pero laking gulat nila nang tanungun sila ni kay Mayor Ony Ferrer kung gusto nilang magpakasal sa mismong araw na iyon.
Kaya naman suot ang face mask at simpleng kasuotan, at improvised wedding ring na bigay ng mga kawani ni Ferrer, natuloy ang kasal ng dalawa.
May pagkakataon pa sa kasal na ang mismong alkalde pa ang tila naging photographer ng bagong kasal.
Ayon kay Erika, hindi man siya nakapagsuot ng wedding dress sa kaniyang kasal, ang mahalaga ay makapagpalitan sila ng "I Do" ng lalaking nais niyang makasama sa buhay. --FRJ, GMA News