Sa puhunan na P3,000 na mula sa kaniyang naipon, sinimulan ng isang estudyante ang kaniyang negosyong kangkong chips na umaabot na ngayon sa P100,000 ang kita bawat buwan.
Sa ulat ni Vonne Aquino sa programang "Dapat Alam Mo," sinabi ng 17-anyos na si Joh Mojica, na naisipan niya noon na magtayo ng negosyo para makatulong sa pamilya.
Dahil hindi karaniwan ang kangkong chips, naisip niyang may oportunidad sa naturang gulay kaya ito ang napili niyang gawing negosyo.
Bukod sa madaling mabili ang kangkong, marami rin itong health benefits tulad ng lower cholesterol level, good for digestve and immune system, source of vitamins and minerals, aid anemia, prevent cancer cells, promotes good skin and hair.
Mag-isa raw noon na ginawa ni Josh ang negosyo mula sa packaging, logo, pagbili ng ingredients, at ginamit niya ang recipe ng kaniyang tita.
Naging inspirasyon din daw ni Josh ang paalala ng kaniyang namayapang lolo na dapat silang makaahon sa hirap, "dahil kapag dumating yung mga bagay naalanganin, dapat po ready kami."
Ngayon, kasama na rin niya sa negosyo ang kaniyang mga kaibigan sa paghahanda at pagdeliver ng mga order.
Katulong naman niya sa financial side ang ang kaniyang ina.
Ibinibenta ni Josh sa halagang P110 per pack ng kaniyang kangkong chips.
Ngayon, kumita na siya ng hanggang P100,000 bawat buwan.
"Natutunan ko na kung kikilos ka, sagarin mo. Huwag mong lilimitahan yung sarili mo dahil lahat posible basta may pangarap," ayon kay Josh.
--FRJ, GMA News