Dahil na rin sa panahon ng kapaskuhan at naglalapit na halalan, asahan na maglilipana muli ang mga pekeng pera. Pero papaano nga ba malalaman kung peke ang pera kahit lang sa pamamagitan ng pagsalat?

Sa programang "Unang Hirit," ipinaliwanag ni Nenette Malabrigo, deputy director ng currency policy and integrity department ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na mayroong dalawang uri ng tunay na pera ang nasa sirkulasyon ngayon.

Ang naturang dalawang uri ay ang New Generation Currency at ang Enhanced New Generation Currency, na mas pinatibay at mas pinaganda ang disenyo.

Upang hindi maloko, dapat daw na alam ng tao kung ano ang mga nakalagay sa tunay na pera para maihambing dito ang peke.

Pero may paraan daw na madaling malalaman kung peke ang pera sa pamamagitan ng pagsalat sa mga letra ng pera at pagtingin sa security features. Panoorin ang video kung papaano.

--FRJ, GMA News