Kapag masakit ang katawan, ang "lamig" ang laging unang iniisip na dahilan. Ngunit mayroon nga bang siyentipikong basehan ang sinasabing "lamig" at papaano kaya ito gagamutin at maiiwasan?
Sa programang "Pinoy MD," ipinaliwanag ng isang dalubhasa ang mga maling haka-haka sa sinasabing "lamig" na puwede raw makuha kapag natuyuan ng pawis sa likod lalo na kung natapatan pa ng electric fan.
Pero ang sinasabing lamig, iniuugnay sa "myofascial pain syndrome," na kadalasan nakikita sa mga taong nakakaranas ng pangmatagalang kirot sa katawan.
Ano-ano nga ba ang paniniwala ng mga nakatatanda at naipasa na rin sa mga kabataan tungkol sa "lamig sa katawan." Panoorin sa video ang buong talakayan.
--FRJ, GMA News