Nang mag-resign bilang chef sa isang five star hotel, nauwi sa pagnenegosyo na may kinalaman pa rin sa pagkain si Ryan Reyes. Pero dahil sa pandemya, sinubukan niya ang vlogging at nakilala bilang cook master na si "Ninong Ryan."
Sa episode ng "Stories of Hope," ikinuwento ni Ryan na nagtapos siya sa kursong Culinary Arts at kinuha ng isang five star bilang chef kung saan siya nag-OJT o on the job training.
Pero nakaramdam daw si Ryan ng burnout sa trabaho kaya siya nag-resign. Mas gusto raw niyang magluto ng mga lutong-bahay kasya magluto bilang isang propesyonal.
Napasok niya ang chicken product business na nagsara naman dahil sa pandemic.
At dahil sa walang pinagkakabalahan, naisapan ni Ryan na subukin ang vlogging bilang si "Ninong Ry," na pagluluto ang paksa o content.
Isang buwan lang ang balak ni Ryan na itatagal ng kaniyang pagiging content creator dahil sa inakala niyang maibabalik kaagad ang kaniyang negosyo.
Pero dahil sa nakita niya na mas makabubuting ipagpatuloy muna ang vlogging kaysa pagnenegosyo, ipinagpatuloy niya ang paggawa ng mga video sa pagluluto.
Kuwento ni Ryan, ang kaniyang ama na mahilig na mag-eksperimento ng putahe ang naka-impluwensiya sa kaniya para maging isang chef.
Ngunit bakit nga ba mas nais niyang malinya sa tinatawag na mga lutong-bahay kaysa lutong "propesyonal?" Tunghayan ang kaniyang kuwento at ang paraan niya ng pagluluto ng paboritong adobong baboy. Panoorin.
--FRJ, GMA News