Sa "Sumbungan Ng Bayan," isang lalaki ang dumulog at magtanong kung may karapatan ba siyang tumanggi at hindi magbigay ng sustento sa babaeng naanakan niya?
Ayon kay Atty. Joseph Cerezo, obligasyon ng sinumang magulang na suportahan ang lahat ng pangangailangan ng kanilang anak.
"Kasama ka sa sarap. Bakit naman ayaw mong kasama ka rin sa hirap?" pahapyaw na banggit ng abogado.
Ipinaliwanag ni Atty. Cerezo, na kapag ang isang lalaki ay nagkaroon ng anak, ito ay kaniyang obligasyon na sustentuhan ang kaniyang anak, alinsunod sa isinasaad ng batas.
Pero kung mayroon "ground" o basehan ang lalaki para mapatunayan na hindi niya tunay na anak ang bata, doon lamang umano maaaring tumanggi ang lalaki.
Dahil ayon kay Atty. Cerezo, hindi siya pipilitin ng batas na magbigay ng sustento sa hindi niya naman talaga anak.
Panoorin ang buong talakayan sa video ng "Sumbungan ng Bayan."
--FRJ, GMA News