Mula sa pagiging dating empleyado na P12,000 ang kita sa isang buwan, ngayon ay kaya na niyang kumita ng P16,000 sa loob lang ng isang araw dahil sa kaniyang negosyong pagkain na pares.

Kilala ang pares-- lalo na ng masa-- dahil sa abot-kaya nitong presyo na P50.00 ang bawat order na may kanin at unli ang sabaw.

Sa programang "Pera Paraan," ikinuwento ng 29-anyos na si Orly Olazo ng Las Piñas, kung papaano niya sinimulan ang kaniyang paresan gamit ang natanggap na 13th month pay.

Bukod dito, ibinahagi rin niya kung papaanong magluto ng pares na lasang paresan. Panoorin ang video , matuto at kapulutan ang inspirasyon ang kuwento ni Orly. --FRJ, GMA News