Sa datos ng Inter-agency Task Force Sub-Techinical Working Group Data Analytics, lumilitaw na limang beses na mataas ang posibilidad na maging severe o malubha ang kalagayan ng mga senior citizen na nagkaroon ng COVID-19, at 10 beses na mas mataas ang posibilidad na pumanaw sila.
Paglilinaw ng programang "Pinoy MD," hindi naman "death sentence" na kapag ang isang nakatatanda ay dinapuan ng COVID-19 dahil marami rin naman sa kanila ang naging matagumpay sa pakikipaglaban sa virus.
Pero bakit nga ba mas nagiging mas mahirap ang laban ng mga nakatatanda sa COVID-19 sa virus at ano ang mga paraan upang maprotektahan pa natin sila para hindi sila dapuan ng nakamamatay na sakit?
Tunghayan ang video sa itaas.
--FRJ, GMA News