Nitong nakaraang linggo, hindi napigilan ng ilang residente ng Barangay Sta. Cruz na mangamba nang maging kulay pula o kulay dugo ang bahagi ng karagatan sa kanilang lugar.
Batid kasi ng ilang residente na may nakasulat sa Lumang Tipan o Bibliya nang gawing kulay pula ng Diyos ang dagat bilang parusa ng mga tao sa mga ginawang kasalanan.
Kaya naman may mga residente sa Barangay Sta. Cruz na hindi maiwasang mag-isip na baka indikasyon ng masamang pangitain ang pagpula ng dagat at may masamang mangyayari sa kanilang barangay.
"Matakot ako baka may trahediyang dumarating," anang isang residente. "Baka nagalit ang Panginoon dahil sa ang mga tao hindi na marunong magdasal, magsimba."
Ngunit ang mga dalubhasa, may siyentipikong paliwanag kung bakit naging kulay pula ang dagat at mayroon itong peligrong maaaring idulot sa kalusugan ng mga tao.
Kung ano ito, alamin sa video na ito ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho."
--FRJ, GMA News