Isang Filipino-Syrian ang nagpanggap na pulubi at kunwaring nagugutom. Isang buko vendor ang sinubukan niyang hingan ng libreng buko at namangha siya sa ginawa nito. Panoorin.
Sa programang "On Record," ipinakita ang video ng ginawang social experiment ni Sam Ousta, na nagbihis dugyutin, tsinelas lang ang suot at hindi sinabing stranded siya sa Pilipinas dahil sa pandemya.
Nilapitan niya ang buko vendor na si Manong Bebot at sinubukan niyang humingi libreng inumin.
"No problem. I will give you one piece," agad na sabi ni Manong Bebot.
"His kindness was overwhelming. He who's been working at the job for 18 years and he makes about P500 a day, to give me free food, hindi ko na-expect," komento ni Sam.
Ikinagulat pa ni Sam dahil bukod sa libreng buko, ipinatong pa ni Manong Bebot ang kamay nito sa kaniyang ulo bilang pag-bless sa kaniya.
Nang makalayo si Manong Bebot, sinundan siya ni Sam at muling nagpakita ang Syrian sa kaniya. Dito na sinabi ni Sam na social experiment lang ang kaniyang ginawa, at inabutan niya ng pera ang tindero bilang kapalit.
Gayunman, hindi pa rin ito tinanggap ni Manong Bebot. "It's okay, sir," anang tindero.
"It really shows that he was willing to give without getting anything in return. I just [said] 'Please take it because I really wanted to help you,'" sabi ni Sam kay Manong Bebot.
"Sa pag-aaral sir ng Biblia, itinuturo 'yung wala tayong dapat matahin na tao. Mahirap ka, mayaman ka, ang sabi sa Bible ang taong nauuhaw painumin, ang taong nagugutom, pakainin," sabi ni Manong Bebot.
Panoorin ang madamdamin nilang tagpo sa video. --FRJ, GMA News