Ilang halaman ang maaari umanong magdala ng buwenas, kapayapaan at pag-ibig sa bahay sa 2021, ayon sa isang feng shui expert.

"Meron siyang natural energy and nagdadala siya ng good fortune and freshness," sabi ni Jean Yu-Chua tungkol sa mga halaman sa GMA News "Unang Hirit."

"Nagdadala rin siya ng good energy for our emotions and brighten up our days," dagdag niya. "For example, medyo malungkot tayo medyo stressful tayo sa mga trabaho natin, plants will help us to reenergize 'yung energy natin para maging masaya tayo and mas maging [masuwerte]."

Para sa kalusugan at proteksiyon sa harap ng COVID-19 pandemic, ipinayo ni Yu-Chua ang basil plant, peace lily o snake plant, na pangontra daw sa negative energy.

Para sa wealth, payo ng feng shui expert ang pachira money tree o bamboo plant, na simbulo raw ng great stability.

Ayon kay Yu-Chua, may kakayahan ang money plant na magparami ng sanga na simbulo ng pagbibigay ng maraming oportunidad.

Sa mga naghahangad naman ng tagumpay at kapanatagan sa 2021, ipinayo ni Yu-Chua ang palms at jade plants na maganda sa negosyo, habang para sa long-term relationships ang rubber plants.

Pero saan naman magandang ipuwesto ang mga halaman? Panoorin ang buong video.


— FRJ, GMA News