Bahagi na ng kultura at paniniwala ng mga Pinoy ang mga tiyanak, o mga halimaw na umano'y mga sanggol na pumapatay ng tao. Pero paano at saan nga ba nagsimula ang kuwento tungkol dito na naging blockbuster movie pa at nagkaroon ng sikat na linyang... "Ang anak ni Janice!"
Sinasabing ang tiyanak ay hango sa mga salitang Mati na ang ibig daw sabihin ay anak at patay.
Pero sa pananaw ng propesor na si Nestor Castro, may mas malalim pa raw na kuwento tungkol sa pinagmulan ng tiyanak.
Ayon sa isang pari, maging ang Simbahan ay ginamit daw noon ang kuwento ng tiyanak para pabinyagan ng mga magulang ang kanilang mga sanggol.
Panoorin ang buong kuwento sa "Pinoy Klasik" video episode na ito. --FRJ, GMA News