Isang prosthetic artist na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic ang nagamit ang kaniyang talento sa paggawa ng Halloween face masks.

Sa panayam ng GMA News "Unang Hirit" nitong Huwebes, ipinakita ni Rene Abelardo ang mga hand crafted character mask na kaniyang mga ginawa.

Kasama niya sa mano-manong paggawa ng kakaibang maskara ang kaniyang anak.

Kuwento ni Rene, nakikita niya ang mga face mask na gawa sa tela na may mga nakakaaliw na disenyo tulad ng nakatawa kaya naisip niyang gumawa ng 3D face mask na may halong prosthetic.

Sa prosthetic face mask ni Rene, puwedeng ipalaman ang ordinasyong face mask o ipatong sa surgical mask para safe pa rin laban sa virus.

Panoorin ang video at alamin kung magkano ang presyo nito, at ang isa pang face mask na glow in the dark. --FRJ, GMA News