Dahil sa pandemya, naudlot ang pangarap ng 23-anyos na Trixie Dominique Capoy nang mawala ang kaniyang trabaho bilang flight attendant.
Ngunit hindi ito naging hadlang para subukan naman niya ang pagiging entrepreneur at makatulong pa rin sa pamilya nang simulan niya ang pagbebenta ng "naked taco."
Alamin sa video na ito ng programag "Pera Paraan" kung ano ang "naked taco" at bakit ito ang naisipang ibenta ni Trixie via online.
Kasabay nito, tunghayan din ang kuwento ni Sarah Gundra, na pinasok ang negosyong pagbebenta ng DYI ramen nang minsan masabik ang pamilya niya sa paborito nilang ramen pero wala naman silang mapuntahan na restaurant dahil bawal lumabas.
Alamin kung magkano nga ba ang kailangang puhunan para makapagtayo ng ganitong uri ng negosyo. Panoorin.
--FRJ, GMA News