Nagsagawa ng pag-aaral ang U.S. Department of Agriculture at Kansas State University upang alamin kung puwedeng maipasa ng lamok ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing lumabas sa naturang pagsasaliksik sa Amerika na hindi gaya ng dengue, Zika, at iba pang sakit, hindi naipapasa ng lamok ng COVID-19.

Sa ginawang eksperimento, ipinasipsip umano sa mga lamok at iba pang insektong nangangagat ang isang blood sample na may SARS-CoV-2.

Lumabas sa pag-aaral na hindi nabuhay at nakapagparami ang virus sa lamok at iba pang insektong ginamit sa eksperimento.--Jamil Santos/FRJ, GMA News