Dahil sa COVID-19 pandemic, marami ang nagsimula ng kani-kanilang online business para ibenta ang iba't ibang produkto, tulad ng mga pagkain. Ano nga ba ang mga epektibong marketing strategy para mapansin ng mga parokyanong netizens ngayong tumitindi na rin ang kompetisyon?
Sa "Pera Paraan" ng GMA News Public Affairs, ipinaliwanag ng marketing and concept specialist na si Cyrus Cruz, na una sa lahat ay dapat masarap ang pagkain at "affordable" ang presyo.
Pangalawa, mahalaga umano na "attractive" at orihinal ang larawan na gagamitin sa pag-promote ng produkto para dumami ang demand.
At pangatlo, magpadala ng free samples sa mga kaibigan para sila ang mag-"reinforce" ng produkto at madagdagan ang credibility nito.
Ipinakita naman ng film maker na si EJ Mijares ang tamang pagkuha ng mga larawan ng pagkain nang hindi ginagamitan ng mamahaling equipment.
Kabilang sa mga itinuro niya ang paggamit ng natural light, paglalagay ng dekorasyon at tamang pag-anggulo. Watch and learn.-- FRJ, GMA News