Patuloy pang tinatalakay ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan kung papaano ang magiging proseso kapag pinayagan na muling pumasada ang mga lumang jeepney sa ilalim ng new normal sa panahon ng pandemic

Ang 58-anyos na tsuper na si Mang Lauro, hindi napigilang maging emosyonal nang ikuwento kung papaano niya nakatuwang ang kaniyang 30-anyos na jeep upang maitaguyod sa marangal na paraan ang kaniyang pamilya at mapag-aral ang kaniyang mga anak.

Biro nga raw sa kaniya, ang kaniyang jeepney ang maituturing panganay niyang anak.

At dahil wala pang katiyakan kung kailangan siya muling makakapasada, sinikap ni Mang Lauro na makasama sa programa ng isang online delivery service gamit ang kaniyang jeepney. Panoorin ang kaniyang kuwento na kapupulutan ng inspirasyon.
 

--FRJ, GMA News