Damang-dama na ang init ng panahon, at asahan pa raw na titindi pa ito, ayon sa mga eksperto. Alamin ang ilang paraan para maibsan ang init na nararamdaman at makaiwas sa nakamamatay na heat stroke.
Itinuturing ng Department of Health na medical emergency ang heat stroke kaya hindi ito dapat balewalain. Ilan sa sintomas nito bukod sa mainit na pakiramdam ay panghihina, pagkahilo, pananakit ng ulo, mabilis na tibok ng puso at mataas na lagnat, at pagkawala ng malay.
Alamin sa infographic kung papaano ito maiiwasan at ano ang mga dapat gawin sa taong nakararanas ng heat stoke.
--FRJ, GMA News