Laging dinadagsa ng maraming tao lalo ng mga maysakit, kilala ng marami si Father Fernando Suarez bilang isang "healing priest." Pero nitong Martes, dumating ang malungkot na balita na pumanaw ang pari dahil sa heart attack.

Para kay Father Suarez, isa lamang siyang ordinaryong tao at Diyos mismo ang nagpapagaling ng kaniyang mga ginagamot.

"I don't have power, and I don't even feel I have power," saad ni Fr. Suarez, na hindi itinanggi na na mayroong tukso na lumaki ang kaniyang ulo dahil sa papuri ng mga tao.

Balikan ang "Himala" episode ng "Reel Time," kung saan itinampok ang ginawang panggagamot  ni Fr. Suarez, at ang mga kuwento ng pananampalataya ng mga maysakit. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News