Sa murang edad, pinasan na ng 11-anyos na si Rhea ang responsibilidad ng pagiging isang ina para alagaan ang mga mas bata niyang kapatid na isang apat na taong gulang at isang dalawang buwang gulang pa lang. Bakit nga ba ito nangyari kay Rhea at nasaan ang kanilang mga magulang?
Sa halip na naglalaro, kinakalinga ni Rhea ang kaniyang mga kapatid na sina Isaac at baby Isaiah. Ayon sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," biglang binawian ng buhay ang stepmother ni Rhea bago magpasko kaya siya na ang nag-aruga sa kaniyang mga kapatid.
Bagaman aminado siyang nahihirapan, sinabi ni Rhea na masaya siyang alagaan ang kaniyang mga kapatid.
Tunghayan ang nakaantig at kahanga-hangang kuwento ni Rhea sa video na ito ng "KMJS," at alamin ang kaniyang mga pangarap sa buhay sa kabila ng kaniyang pinagdadaanan.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News