Nabahala si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kaugnay sa nakitang Russian attack submarine sa West Philippine Sea nitong nakaraang linggo.
"That's very concerning. Any intrusion into the West Philippine Sea, of our EEZ, of our baselines is very worrisome. Yes it's just another one," pahayag ng pangulo sa mga mamamahayag.
Sinabi ni Marcos na ipinauubaya niya sa militar ang pagtalakay sa naturang usapin.
Philippine Navy spokesperson for WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad said they have monitored the presence of the Russian attack submarine.
Una rito, sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa WPS, na may na-monitor silang Russian attack submarine na Ufa ng Russian Navy.
Mula sa Malaysia, unang nakita ang Russian submarine 80 nautical miles sa kanlurang bahagi ng Occidental Mindoro noong Nobyembre 28.
Agad na nagpadala ang Philippine Navy ng eroplano at isang warship upang subaybayan ang galaw ng submarino.
Ayon sa Philippine Navy, hindi lumubog ang Ufa at mabagal ang naging pagkilos patungo sa hilaga sa labas ng Philippine territorial waters nitong weekend.
Idinagdag ng Philippine Navy na nagpaliwanag ang Russian vessel na naghihintay itong gumanda ang ang panahon bago tumulak patungong Vladivostok, Russia.
Ang BRP Jose Rizal (FF150) ng PHL Navy umano ang nakipag-ugnayan sa submarino gamit ang radyo para nagkumpirma ng kanilang pagkakakilanlan, bilang ng tripulante, at layunin sa paglalakbay.
Binigyang-diin ng AFP ang kanilang pangako na pangangalagaan ang soberanya ng bansa, habang pinananatili ang propesyonalismo sa pakikisalamuha sa mga dayuhang naval vessels.
''Our operations remain consistent with international maritime laws and demonstrate our dedication to regional peace and cooperation,'' saad nito.
Sinusubukan pa ng GMA News Online na makakuha ng komento mula sa Russian Embassy.—
mula sa ulat nina Anna Felicia Bajo/Joviland Rita/FRJ, GMA Integrated