Tatlo ang nasawi at nasa 31 iba pa ang sumama ang pakiramdam matapos umanong malason sa kinaing pawikan sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Sa ulat ng GMA Regional TV nitong Lunes, sinabing miyembro ng mga katutubo ang karamihan sa mga biktima.

May nakuha pa ang mga awtoridad na natirang bahagi ng pawikan na isasailalim sa pagsusuri bilang bahagi ng imbestigasyon na ginagawa.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act, ipinagbabawal paghuli, pagbebenta at pagkainin ng mga pawikan na kabilang na sa endangered species -- FRJ, GMA Integrated News