Bukod sa pagluluto, ginagamit ding minsan ni misis na pamukpok o pambato kay mister ang kawali, kaldero o kaserola. At kamakailan lang, nakaladkad pa ang kaldero sa kontrobersiyal na "cauldron," na sisindihan sa SEA Games, na nagkakahalaga raw ng P50 milyon.
Pero alam ba ninyo na hindi pala biro ang paggawa ng kawali, kaldero at kaserola dahil tiyaga, pawis, at paltos ang ibinibigay dito ng mga manggagawa para mayroon tayong paglulutuan.
Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang paggawa ng mga kaldero, at alamin din ang kuwento sa likod ng pambihirang Belgian Bobbin lace ng Iloilo at ang rehabilitasyon na isinagawa sa makasaysayang Jones Bridge sa Maynila.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News