Inilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na mayroon siyang sakit na Myasthenia Gravis, na isang nerve malfunction kung saan bumababa ang kaniyang isang mata. Ano nga ba ang karamdamang ito at mayroon ba itong lunas?
Sa programang "Pinoy MD", sinabing ang Myasthenia Gravis ay isang autoimmune disease na nagdudulot ng excessive muscle weakness.
Gumagalaw ang mga muscle ng tao sa tuwing kumakapit ang mga neurotransmitter ng nerves sa mga receptors ng muscle cells. Ngunit sa isang may Myasthenia Gravis, hinaharangan ng anti-bodies ang mga receptor kaya hindi sila kumakapit sa neurotransmitters.
Dahil dito, hindi nakararating ang mensahe sa mga muscle na kailangan nito kaya hindi ito gumagalaw.
Hindi umano lubusang nagagamot ang Myasthenia Gravis pero may gamot na maaaring panlaban sa mga sintomas nito. Panoorin ang buong pagtalakay sa video.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--Jamil Santos/FRJ, GMA News