Sa "Mars Pa More," tinalakay kung totoo nga ba ang mga duwende, at ano ang maaaring gawin kapag sila'y namataan sa iyong lugar.
Ayon sa paranormal investigator na si Theopilus, maraming parte ng mundo ang may paniniwala tungkol sa mga duwende na iba-iba ang tawag tulad ng "gnomes," "dwarves" at "goblins."
Nakabase raw ang kanilang "kulay" sa kanilang motibo o gawa at hindi sa hitsura. Kadasalang "itim" na duwende ang tawag sa mga masama ang balak. Karaniwan din daw silang malilikot na parang mga bata.
Isang pinakamadaling paraan na malalaman kung may duwende sa isang lugar mo ay kung may isang taong may extrasensory perception (ESP) o third eye na makakakita rito.
Kung may hinala na may duwende sa inyong bahay dahil sa mga naririnig na ingay na wala namang tao sa lugar, puwede raw mag-setup ng camera at kumuha ng larawan o video.
Ayon pa kay Theophilus, hindi dapat tuluyang palayasin sa tinitirhan nilang lugar ang mga duwende dahil posibleng nauna pa silang tumira doon kaysa mga tao.
Maaari naman daw paalisin ang mga ito sa pamamagitan ng "paglilipat" ng lugar.
Panoorin ang buong talakayan tungkol sa mga duwento sa video sa itaas.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News