Sa programang "iJuander," tinalakay ang iba't ibang pamahiin na sinusunod ng mga Pilipino, tulad ng pagiging swerte ng isang buntis at pagsusuot ng pula kapag birthday para sa happiness at good fortune. Gaano kaya katotoo ang mga ito?
Kilalanin ang mag-asawang sina Joan at Warren Hiwatig, na mayroon nang apat na anak. Nagsimula ang pagsunod nila sa mga pamahiin nang mahakbangan ni Joan ang natutulog na si Warren.
Ayon sa pamahiin, kapag nalaktawan ng isang buntis ang asawa ay ito ang maglilihi. Ganito ang nangyari kina Joan at Warren, kung saan si Warren ang naglihi at nagsuka.
Ikinuwento ni Joan na sa tuwing siya'y buntis, maraming suwerte ang nangyayari sa kanila tulad ng pagpasa ni Warren sa board exam at promotion sa trabaho, at pagkapanalo nila ng pera at kotse sa mga raffle.
Totoo nga ba ang ilan pang pamahiin sa pagbubuntis, tulad ng paglilihi? Alamin kung naniniwala pa ang mga bagong panganak na nanay sa mga kasabihang ito. — Jamil Santos/MDM, GMA News