Sa ika-18 na Kongreso ng Pilipinas, may walong senador na abogado, habang pito naman ang mayroong master's degree.
Iisa lamang ang merong PhD: si Senator Ronald "Bato" Dela Rosa.
Sa Cover Story tungkol sa mga academic background ng mga senador, sinaliksik ng GMA News Research ang mga educational records ng bawat miyembro ng Senado.
FULL REPORT: Academic Backgrounds of Philippine Senators
Nagtapos si Dela Rosa ng kaniyang doctorate sa Development Administration mula sa University of Southeastern Philippines, isang regional state university sa Davao City.
Sa panayam sa GMA News, inamin ni Bato na nahirapan din siyang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho bilang isang police official.
"Hindi naman pwedeng palagi kang mag-absent sa iyong pagkapulis para maipagpatuloy mo ang pag-aaral mo," aniya.
"So in between, kung may bakante, banat-banat sa dissertation."
Dagdag pa niya, hindi naging madali ang pagtapos ng dissertation, ang pinakamatinding requirement sa pagtatapos.
"Wala namang dissertation siguro na madali. 'Yung thesis mo lang sa masteral napakahirap na gawin 'yun, how much 'yung doctorate eh 'di mas mahirap 'yun," aniya.
"Kaya nahirapan din pero gusto mong makuha eh 'di pagsikapan mo," dagdag pa nito.
Basahin ang kumpletong detalye sa special report. —JST, GMA News